Enjoy up to 55% Off! Code: JOLLY Ends: 12/5 Details
Apply
  1. Help

kaspil

Hello, you either have JavaScript turned off or an old version of Adobe's Flash Player. Get the latest Flash player.

kaspil - Page Text Content

S: Ang Pagsibol ng Filipino

BC: Ang Pagsibol ng Filipino | Group Assessment 2 KASPIl Verzosa, Katrina Adriano, Mary Louise Dalisay, Rachel Marie Prias, Catherine Marica, Grace Anne Piquero, Christine Osiana, Ariane

FC: Ang Pagsibol ng Pilipino

1: Nasyonalismo | Nasyonalismo, isang masidhing damdaming nagbubuklod sa mga Pilipino bilang isang nasyon. Ang emosyong nagbibigay sa isang indibidwal na maghangad ng kabutihan at kaunlaran sa kanyang bansa. Hindi alintana ang pagbuwis ng sariling buhay, upang makamit ang kalayaan minimithi. Ang bawat indibidwal ay makabayan, makabansa. Hindi bilang isang siyudad, isang tribo, isang rehiyon Kundi isang bansa na may isang katawagan, Filipino.

2: Epekto ng Espanya sa Nasyonalismo ng mga Filipino

3: Ang mga polisiya at batas na ipinatupad ng kolonya ng Espanya ay nakaapekto sa pag-unlad ng ating nasyonalismo.

5: Hindi magiging posible ang paglago ng nasyonalismo ng mga Pilipino kung hindi dahil sa pananakop ng mga Espanyol.

6: Ang pagtatayo ng Katolisismo, na lumika ng identidad ng nasyon bilang isang pananampalataya, ay isa din sa mga dahilan para magtulung-tulong ang mga Pilipino sa kabila ng pagkakaiba ng kanilang mga kaugalian.

7: Ang pagkalikha ng “port trade” at “hacienda systems”, ang malawak na sistema ng agrikultura na inilagay ng mga Espanyol sa pamumuno ng mga Pilipino ay epektibo sa pagpapalago ng pangkabuhayan ng mga Pilipino.

8: Ang pagbubuo ng mga gobyerno na Pilipino ang namumuno ay ang nagdala sa kanila sa kagustuhang magkaroon ng sariling oligarkiya. | Hinayaan naman ng mga Espanyol na magtrabaho ang mga Pilipino sa mga kawanihan ng pamahalaan.

10: Polo Y Servicios (Sapilitang Pagtatrabaho ng mga Pilipino) | Obligadong magtrabaho ng may edad 16-60 Pilipino sa mga gawaing pang komunidad

11: Pagbibigay Buwis ng mga Pilipino Ang bawat Pilipinong may edad na 18 pataas ay kinakailangang magbayad ng buwis upang suportahan ang pananakop sa ibang bansa at sa pansariling kapakanan ng mga Espanyol.

12: Ilustrados | Ang ganap na paglaki nitong pagsasama ng mga Pilipino ay humantong sa pag-unlad ng mga “middle class” na nagpapakita ng pagnanasa para sa kalayaan mula sa mga polisiya ng mga Espanyol. .

13: Nang dahil sa pananakop ng mga kastila sa Pilipinas, marami ang nagbago sa mga dating kultura at tradisyon, pulitika at ekonomiya nito. Ang kuwento ng nasyonalismo ng mga Pilipino ay maluwalhati at kahanga-hangang pangyayari kung paano ang isang hating estado ay nasakop at nabago na may pilosopiya, kultura at pamamahalang kanluranin, at nagging isang “Euro-Asiatic” na estado.

14: Ang Simula ng Pagbubuklod

15: Ilang taon, paghihirap, at pasakit man ang lumipas, unti-unting namulat ang mga Pilipino sa nasyonalismo. Iba't ibang pangyayari, tao, at panahon ang nagtatag dito.

16: Nagising ang Pilipinas sa katotohanang kaya nilang magapi ang mga Espanyol. | British Invasion, 1762-1764

17: Rebolusyon ng Mexico, Haiti, at Brazil

18: Sari-saring liberal ng mga pilosopiya at ideya ang naipakilala sa mga Pilipino sa pagbubukas ng Suez Canal. | Ang pagbubukas ng Suez Canal, 1869

19: Ruta ng Suez Canal | Cash Crops | Galleon Trade | Pagbebenta

20: Mga Gobernador Heneral

21: Watawat ng Espanya | Minahal ng mga Pilipino ang pamamalakad ni Carlos M. De La Torre, isang gobernador-heneral, dahil sa pagtatag ng malayang paghahayag ng adhikain at sa pagtanggal ng mga espiya sa mga pahayagan.

22: Marcelo Del Pilar | Juan Luna | Félix Hidalgo | Graciano Jaena | Antonio Luna | Mariano Ponce | Ang ILUSTRADOS

23: Jose Rizal | Umusbong ang clase media at mga Ilustrado, mga makapangyarihang indibidwal sa larangan ng pulitiko at ekonomiya at mga nakaranas ng kalidad na edukasyon. Sila ang nag-angat at nagmulat sa mga kapwa nilang Pilipino sa maling gawain ng mga Espanyol.

25: Ang pagkamatay ni Dr. Jose P. Rizal ay isa pa sa mga dahilan ng pagkagising ng mga Pilipino mula sa indolensya at pagka-ignorante tungo sa kaliwanagan at kaalaman

26: "Ang mga Yugto ng Pagsilang ng Nasyonalismo sa Pilipinas"

27: Ang mga Yugto ng pagsilang ng Nasyonalismo sa Pilipinas ay ang Secularization movement, Propaganda movement at ang Katipunan.

28: Secular na mga Prayle | Spanish Chrurch, 1899

29: Ang kilusang sekularisasyon o “secularization movement” ang itinuturing na unang hakbang sa pagkakaroon ng nasyonalismo sa Pilipinas.

30: Ang mga Regular na prayle | Ang mga Secular na prayle

31: Basilio Santa Justa Sancho de Rufina | Nagsimula and Secularization Movement sa layuning mabaliktad ang Royal Order of 1826

32: Pinamunuan nina Fr. Mariano Gomez at Fr. Pedro Pelaez ang unang bahagi ng Secularization Movement sa iisang hangaring maibalik ang simabahan sa mga paring sekular at ang church reform. | Mariano Gomez | Pedro Pelaez

33: Sa ikalawang bahagi ng Secularization Movement, pinamunuan naman ito ni Fr. Jose Burgos na ang layunin ay magkaroon ng pagkakapantay-pantay ng mga lahi. Dito din unang ginamit ang salitang FILIPINO sa halip na Indio sa pagtukoy sa lahing kayumanggi.

34: Cavite Mutiny | Ang pagdadasal ng mga sundalong Espanyol

35: Pinapaniwalaan na ang sanhi ng Cavite Mutiny ay ang pagmamaltrato ni Gobernador-Heneral Rafael de Izquierdo ng mga sundalo ng Engineering and Artillery Crops. Muli niyang ibinalik ang pagbayad ng personal tax na dati nang pinawalang-bisa. Alinsunod dito ay ang sapilitang pagtatrabaho nitong mga ito na kung tawagin ay "polo y servicio". Nalaman din ng mga sundalong ito na ang binabayaran nilang falla para mapalaya sila sa sapilitang pagtatrabaho ay nababawas pa sa kanilang kita.

36: Gomburza | Burgos | Zamora | Gomez

37: Gomburza | Matapos ang Cavite Mutiny, nagdesisyon ang pamahalaang Espanyol na isakatuparan ang pagpatay sa tatlong pari na sina Mariano Gomez, Jose Burgos, at Jacinto Zamora. Dahil sa pangyayari na ito, namulat ang mga Pilipino sa maling gawain ng mga Espanyol at dito nagumpisa ang konsepto ng nasyonalismo; nawala ang pagkakaiba-iba ng etnisidad at heograpiya. Sila ay naging iisang nasyon, magkakabuklod. | Gomburza

38: Rizal, del Pilar, Ponce

39: Ang kilusang propaganda o “propaganda movement” ang ikalawang hakbang sa pagkabuhay ng nasyonalismo sa Pilipinas. Ang mga illustrados ang nag-udyok sa mga Pilipino upang humingi ng pagbabago. Dahil sa kanilang kaalaman at sapat na kayamanan, sila ay nagkaroon ng sapat na tiwala upang isiwalat ang mga maling pang-aalipusta sa mga Pilipino.

40: Jose Rizal | Antonio Luna | Graciano Jaena

41: Ang ilan sa mga naging miyembro ng kilusang propaganda ay sina Jose Rizal, Marcelo H. Del Pilar, Antonio Luna, Juan Luna at Graciano Lopez Jaena. Ang layunin ng kilusang ito ay ang makamit ang mga sumusunod: Pagkilala sa Pilipinas bilang isang lalawigan ng Espanya, magkaroon ng pantay-pantay na estado ang mga Pilipino at mga Espanyol,sekularisasyon ng mga simbahan sa Pilipinas, at pagkilala ng mga karapatang pantao. Hindi kaylanman humingi ng kalayaan ang kilusang propaganda sapagkat sila ay naniniwala na sa oras na mapagtanto ng mga Espanyol ang kalunus-lunos na estado ng bansa, ang mga kinauukulan ay magsasakatuparan ng mga pagbabagong hinahangad ng mga Pilipino.

42: Ang Propaganda at si Rizal

43: Ang Kilusang propaganda ay hindi nagtagumpay sa kanilang hinahangad na reporma sapagkat ang mga otoridad ay hindi sumang-ayon sa anuman sa kanilang kahilingan. Sa kapanahunan ding yaon ay may kinakaharap na malaking problema ang Espanya kung kaya’t hindi nito natugunan ang mga kahilingan ng kilusang propaganda.Sa kabilang banda, ang mga prayle naman ay nasa tugatog ng pamumuno. Sila ay walang panahon at intensyon na makinig sa mga hinaing ng mga Pilipino.

44: Katipunan | Pio Valenzuela | Andres Bonifacio | Gregoria De Jesus

45: Katipunan | Nabuo ang Katipunan nina Andres Bonifacio, Emilio Jacinto, Deodato Arellano, Pio Valenzuela, Gregoria de Jesus (Lakambibi ng Katipunan at asawa ni Andres Bonifacio noong gabi ng July 7, 1892 sa Tondo, Manila. Ito rin ang gabi na binaril si Jose Rizal. Ang Katipunan ay isang grupo ng mga Pilipino na lumalaban sa mga cruelidad ng mga Espanyol sa Maynila.

46: Ano nga ba ang Katipunan? Ito ay naghango sa salitang tipon na ang ibig sabihin ay magsama-sama. | Katipunan

47: Ang Katipunan ay ang mga sumusunod na organisasyon pagkatapos ng La Liga Filipina, isang pahayagan at isang propaganda, ni Jose Rizal. Ang Katipunan ay ang huli at opisyal na pangalan ng grupo; ang pangalang pang laban / “revolutionary” nito ay ang KKK, Kataas-taasang, Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan. Ito ay nagsisimbolo ng simula ng rebolusyon ng mga Pilipino.

48: Katipuneros

49: Misyon: -matibay na pagsasamahan ng bawat Katipunero -ipagka-isa ang bawat Pilipino para sa isang nasyon -makuha ang kalayaan ng Pilipinas sa pamamagitan ng isang rebolusyon

50: Triangle System | Inisyasyon

51: Isang gabi, nabunyag ang sekretong grupo ng Katipunan ng makausap ng miyembrong si Teodoro Patiño ang kanyang kapatid na babae, na nakaabot sa mga opisyal na Espanyol. Ang pagkahuli sa grupo noong August 26, 1896 ay ang pamosang/sikat na pagkapunit nina Bonifacio at ng kanyang mga kasamahan sa mga cedula. Ang kaganapang ito ay ang Sigaw ng Balintawak. Ito rin ang nagsimula ng rebolusyon. Ginagamit ng Katipunan ang Sistemang Patatsulok o ang Triangle Membership upang mapalaganap ang grupo. Nagsimula it okay Bonifacio at ibinahagi niya it okay Teodoro Plata at Ladislao Diwa. Isang Katipunero ay magbabahagi sa dalawang bagong konberto sa idealismo ng Katipunan na malapit sa kanya.

52: Maliban sa Maynila, ang walong “chapters” ng Katipunan ay nasa Batangas, Bulacan, Cavite, Laguna, Nueva Ecija, Pampanga, Rizal at Tarlac. Karamihan sa mga Katipunero ay mga pilipinong masa. Sa unang pagkabuo ng Katipunan, ito ay isang grupo para sa mga lalaki lamang. Ngunit sa pagtagal ng grupo at pagdami ng mga miyembro nito, nagkaroon ng isang Katipunera. Nagsimula ito dahil ang mga asawa ng mga Katipunero ay nagtataka kung saan nagpupunta ang kanilang mga asawa. Nang malaman ni Bonifacio ang usapin na ito, bumuo si Bonifacio ng isang sector para sa mga kababaihang miyembro ng Katipunan. Kinakailangan na ang mga Katipunera ay maging isang asawa, anak na babae, o kapatid na babae ng isang Katipunero. Ang unang Katipunera ay ang asawa ni Bonifacio na si Greogoria de Jesus.

54: Sources http://www.philippine-history.org/secularization-of-priests.htm http://www.philippine-history.org/gomburza.htm http://www.philippine-history.org/la-solidaridad.htm http://tubagbohol.mikeligalig.com/science-research/the-evolutionary-development-of-philippine-nationalism/msg388962/ http://www.philippine-history.org/katipunan.htm

55: Sources http://opmanong.ssc.hawaii.edu/filipino/katipunan.html http://philippine-revolution.110mb.com/katipunan.htm http://tubagbohol.mikeligalig.com/science-research/the-evolutionary-development-of-philippine-nationalism/ http://filipino.biz.ph/history/katipunan.html

Sizes: mini|medium|large|super size
Default User
  • By: Katrina V.
  • Joined: over 6 years ago
  • Published Mixbooks: 1
No contributors

About This Mixbook

  • Title: kaspil
  • Tags: None
  • Published: over 6 years ago

Get up to 50% off
Your first order

Get up to 50% off
Your first order